Friday, October 15, 2010

Alabang Boys

Sa dalawang magkahiwalay na operasyon noong Setyembre, inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong suspek na pinaghihinalaang drug pushers. Binansagang "Alabang Boys," sina Richard Brodett, Joseph Tecson at Jorge Joseph ay pawang galing sa mayayaman at sinasabing maiimpluwensiyang pamilya. Noong Disyembre, isang resolusyon ang pinirmahan ng Chief State Prosecutor ng Department of Justice na nagbabasura sa kaso laban sa "Alabang Boys" dahil umano sa kawalan ng sapat na ebidensiya. Isang "release order" ang ginawa na dapat sana'y magpapalaya sa tatlo. Inangalan ng PDEA ang desisyon. Malakas daw ang kaso nila at hindi nila pinakawalan ang mga akusado. Nasa sentro ngayon ng imbestigasyon ng Kamara ang eskandalo. Mayroon nga bang pag-impluwensya sa kapangyarihan sa kasong kinasasangkutan ng alabang Boys?

No comments:

Post a Comment